LP: Hiling

December 9th, 2009 | by upto6only |

 Litratong Pinoy

15 na araw na lang at pasko na.  Ang bilis ng panahon. Sa isang buwan at 2010 na.  At dahil malapit ng mag pasko, lahat tayo ay humihiling ng mga regalo – bagay man ito o hindi, lahat tayo ay may hiling.  Pasko man o hindi, lagi tayong may hinihiling.

 

My Prayer

Ang Aking Panalangin

Saan man bahagi ng simbahan, tayo ay nananalangin.  Para man sa ating personal na kahilingan or para sa lahat. Panalangin ng pasasalamat o pagdadalamhati. 

 

Flame of Love

Ang Aking Hiling

Nais kong ibahagi ang awitin ito na sa tingin ko ay napapanahon at magandang hilingin sa bawat Filipino.  Ito ang kantang “SANA” na inawit ni Florante at ni-revive nila Jolina Magdangal at ni Macoy ng Kenyo.


 

 Sana ang buhay
Ay walang dulo o hangganan
Sana’y wala nang
Taong mahirap o mayaman
Sana’y wala ng away

REFRAIN:
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo

Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan

Sana ang tao’y
‘Di nagugutom o nauuhaw
Sana’y hindi na
Gumagabi o umaaraw
Sana’y walang tag-init
Sana’y walang taglamig

REFRAIN:
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo

Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan

(Instrumental)

REFRAIN:
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Nang bawat isa sa mundo
Sana’y pag-ibig na lang
Ang isipin
Sana’y magkatotoo

Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan
Sana’y laging magbigayan
Sana’y laging magmahalan

Sana…

Halina’t tingnan natin ang hiling ng ibang LP

Blog Widget by LinkWithin

Tags: , ,

19 Responses to “LP: Hiling”

  1. By Mirage on Dec 9, 2009

    Ang aga mo naman, nagulat ako may comment ka agad! hehe. Gusto ko yang kanta na yan, napasing-along pa ko! happy LP!

    [Reply]

  2. By luna miranda on Dec 10, 2009

    maganda ang kantang ‘to…tagal ko ng di naririnig. ang ganda ng b & w photo mo…puno ng emosyon.

    [Reply]

  3. By witsandnuts on Dec 10, 2009

    Ang bilis ng oras. Hindi pa ako ready sa Pasko. Heehee. Hiling ko sana ay maliwanagan si PGMA sa mga ninanais nya sa buhay.

    [Reply]

  4. By docgelo on Dec 10, 2009

    this one’s inspiring! may we all have a blessed holiday and a more cheerful new year. merry christmas!!! =)
    .-= docgelo´s last blog ..HALF-BLOOD CHINESE (PART 2) =-.

    [Reply]

  5. By Marites on Dec 10, 2009

    gusto ko talaga ang mga kanta ni Florante, makahulugan! Ganda ng mga kuha mo, lalo na ang unang litrato!

    [Reply]

  6. By kg on Dec 10, 2009

    oh my! ang lapit na ng pasko! i didn’t even know it! shucks!
    .-= kg´s last blog ..Paging Santa Claus! =-.

    [Reply]

  7. By julie on Dec 10, 2009

    Ang ganda ng mensahe ng kanta. Panalangin, isa sa ating makakapitan sa panahong maraming pagsubok.

    [Reply]

  8. By Ebie on Dec 10, 2009

    Peace on Earth….ang panalangin ko. Oo malapit na ang Pasko, ang bilis ng panahon.

    I like both of your shots!
    .-= Ebie´s last blog ..Litratong Pinoy: Hiling =-.

    [Reply]

  9. By Nortehanon on Dec 10, 2009

    Sa buhay natin, hindi yata tayo titigil sa paghiling….

    Ganda ng mga larawan, lalong-lalo na po yung una.

    Happy LP po!

    [Reply]

  10. By an2nette on Dec 10, 2009

    napakaganda ng mensahe ng iyong post, nice shots, nawa’y ang ating mga hiling materyal man o hindi ay may matupad

    [Reply]

  11. By bang on Dec 10, 2009

    Ganda talaga ng lyrics ng kanta na yan. Ang ganda din ng mga shots!

    Happy LP!

    [Reply]

  12. By Pinky on Dec 10, 2009

    Ganda nga ng mensahe ng kantang iyan… at sana nga e magkatotoo! :D Love your entries too :)

    [Reply]

  13. By emarene on Dec 11, 2009

    Wow! I love the shot! Eto ba yung sinasabing “taim-tim” na dasal?

    [Reply]

  14. By ShutterHappyJenn on Dec 11, 2009

    Awww… tugma ang litrato sa kanta! At lalo sa panahon ngayon – sa nangyayari sa Maguindanao at iba pa, hiling ko ring maayos na ang lahat.

    Salamat sa pagdaan sa LP post ko.
    .-= ShutterHappyJenn´s last blog ..Hiling (Wish) =-.

    [Reply]

  15. By Eye on Dec 11, 2009

    saang simbahan ito, ang galing ng timing at pag-capture mo. sana’y pagbigyan ang hiling nya, mukhang taimtim na taimtim siya sa pagdadasal. happy LP!
    .-= Eye´s last blog ..LP 83: Hiling (Wish) =-.

    [Reply]

  16. By Iris on Dec 11, 2009

    don’t we all wish that? hay, ang hiling ko naman, sana hindi imposible mangyari yun.

    have a great weekend!

    [Reply]

  17. By Jay - Agent112778 on Dec 12, 2009

    oiiii ang ganda nung unang shot, the best

    wish ko rin ang camera mo, remeber last time we met sa EB

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok
    magandang araw ka-litratista :)
    Salamat sa pagbisita :)
    .-= Jay – Agent112778´s last blog ..Food Trip # 32 : @ Chicken Inasal Bacolod Style Grillhouse (part 2 of 4) =-.

    [Reply]

  18. By Rico on Dec 15, 2009

    Very dramatic shot! Very, very good! Grabe I wish I have your eye.
    .-= Rico´s last blog ..thankful =-.

    [Reply]

  1. 1 Trackback(s)

  2. Dec 19, 2009: LP0960 Paskong Pinoy | Chronicles of Kotsengkuba

Post a Comment

*

CommentLuv badge